3rd most wanted dakma

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang ikatlong most wanted criminal sa lalawigan ng Camarines Sur matapos masakote sa isinagawang operasyon sa Las Piñas City kahapon ng umaga. Nakakulong ngayon sa himpilan ng pulisya sa Las Piñas City ang suspek na si Bernardo “Budswe” Polilio, 39, tricycle driver, pansamantalang naka­tira sa Miranda Compound, Tramo, Brgy. Zapote sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng pulisya, si Polilio ay dinakip ng mga tauhan ng pulisya na nakatalaga sa warrant section sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur PNP dakong alas-6:38 ng umaga sa bisinidad ng Brgy. Zapote, Las Piñas City. Base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Marvel C. Clavecilla ng Pili Regional Trial Court Branch 33 sa Camarines Sur, sa rekord ng pulisya, si Polilio ay may ilang kasong pagpatay at itinuturing na pangatlo sa most wanted criminal ng Camarines Sur.

Show comments