^

Metro

Shootout: Holdaper dedo, 1 pa dakma

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Napatay ng mga tauhan ng Manila Police District-station 7 ang isa sa dalawang holdaper ng pampasaherong jeepney matapos makipagbarilan sa bahagi ng Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang bine­beripika ang pagkakakilanlan ng napatay na holdaper habang arestado naman ang kasamahang si Enrique Dalida, 46, residente ng Tondo.

Sa ulat ni P/Supt. Roderick Mariano, hepe ng MPD-Station 7, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang shootout sa harapan ng Hyundai Motors­, southbound lane sa J. Abad Santos St.

Lumilitaw na sumakay ang dalawang suspek sa jeepney (PXR 329) ni Emmanuel Magang sa panulukan ng Herbosa at J. Abad Santos.

Ilang metro pa lamang ang itinatakbo ng sasakyan ay nagdeklara ng holdap ang dalawa sa apat na pasahero kung saan tinutukan ng baril ang driver habang patalim naman sa mga pasahero.

Kaagad namang tumakas ang dalawa matapos hablutin ang bag ng isa sa mga pasahero subalit namataan sila ng apat na pulis na lulan ng dalawang motorsiklo.

Nauwi sa shootout kung saan napatay ang isa habang si Dalida ay naaresto.

Nabatid na minomo­nitor na ng pulisya ang dalawa matapos maka­kuha ng impormasyon sa ilang trike driver na ginagamit sa panghoholdap ang ilang traysikel at bibigyan lamang sila ng barya ng dalawang suspect.

ABAD SANTOS

ABAD SANTOS ST.

DALIDA

EMMANUEL MAGANG

ENRIQUE DALIDA

HERBOSA

HYUNDAI MOTORS

ILANG

MANILA POLICE DISTRICT

RODERICK MARIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with