Misis tumungga ng silver cleaner, utas

MANILA, Philippines - Patay matapos uminon ng silver cleaning solution ang isang 39-anyos sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Lualhati dela Cruz, ng San Roque ng nabanggit na lungsod.

Nabatid sa asawa ng bik­tima na si Marlon, 39, ini­wanan pa niya ng pera ang misis bago siya umalis upang pumasok sa trabaho kamakalawa ng umaga.

Pag-uwi nito dakong alas-11:00 ng gabi ay laking gulat nang abutan na wala nang buhay ang asawa habang nasa tabi ang botelya ng silver cleaning solution.

Agad na sinabi ni Marlon sa mga pulis ang pangyayari kung saan inaalam pa ang dahilan sa pagpapakamatay ng biktima.    

Inaalam na rin ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.  

Show comments