^

Metro

Intsik na 2 ulit sumagasa sa nobya, timbog

- Nina Doris Franche at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga Manila Police District (MPD) ang 25-anyos na Chinese national na dalawang beses na sumagasa at sumaksak sa kanyang nobyang Intsik din kama­kailan sa harap ng gusali ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa service road ng Roxas Boulevard, Malate, Maynila.

Kinilala ang suspect na si Gong Shuyang, 25, nanunuluyan sa EGI Taft Tower, Taft Avenue, Malate, Maynila.

Si Gong ay nadakip sa ground floor ng Taft Tower, habang ito ay nakatayo kamakalawa dakong alas-11:30 ng gabi, matapos itim­bre ng isang impormante na nasa lugar ito.

Narekober dito ng pulisya ang Nissan Zefiro (XAY-741) na ginamit nito sa pagsagasa sa kanyang nobyang si Zhao Chun Lan. Nabatid na pinalitan ng suspect ang orihinal na plaka ng WSX-384, na umano’y ninakaw ni Gong mula sa isang Julie Ann Santos na nakaparada sa Malate, Maynila.

Sa beripikasyon ng pu­lisya sa rekord ni Gong na­laman na marami itong kasong estafa at lulong sa sugal sa casino.

Sinabi ni Gong na nagawa niyang patayin ang girlfriend dahil pinagbabantaan umano siya nito at tinatakot kapag hindi siya nagbigay ng P1.3 milyon, partikular na ang kanyang ama na pinuntahan pa umano ng biktima, kasama ang apat na lalaki.

Gayunman, sa imbestigasyon ng pulisya, nalaman na tinangay pa nga ni Gong ang malaking halaga na pera ng biktima nang umuwi sila sa China para ipalaglag ang dinadalang sanggol ng huli at habang nasa ospital ang babae ay tinangay umano ni Gong ang pera nito at mula noon ay hindi na nagpakita.

Nang makarekober naman ang biktima ay bumalik sa Pilipinas at hinanap si Gong para bawiin ang tina­ngay nitong pera.

Nakilala ang suspect sa CCTV camera na ipinagkaloob ng BSP sa MPD, gayun­din ng testigong si Medilyn Leonardo, na nakakita sa pag-aaway ng dalawa bago sagasaan ang biktima.

BANGKO SENTRAL

GONG

GONG SHUYANG

JULIE ANN SANTOS

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MEDILYN LEONARDO

NISSAN ZEFIRO

TAFT TOWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with