MANILA, Philippines - Lasog ang isang 37-anyos na lalaki nang mahulog mula sa ikalimang palapag ng isang gusali matapos mawalan ng balanse sa Tondo, Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Joselito Garcia, ng Unit 406 building 22 Permanent House Balut, Tondo, Maynila nang mabasag ang ulo at mukha nito at magkabali-bali ang katawan.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan ng MPD-Homicide Section, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa gusali ng building 22 Permanent House Balut Tondo, Maynila.
Bago ang insidente, umiinom ang biktima kasama ng kanyang kapatid na si Roger Lumpero, 31, sa nasabing gusali.
Habang umiinom ay pinapanood niya ang kanyang kapatid sa paglalaro ng pool habang nakaupo sa terrace at mawalan ng balanse na naging dahilan ng kanyang pagkahulog at agarang kamatayan.