^

Metro

Ambulansya salpok sa SUV: 2 sugatan

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Dalawang katao na sakay ng isang ambulansya galing probinsiya ang nasugatan makaraang makabanggaan nito ang isang sports utility­ vehicle sa panulukan ng Araneta at Del Monte Ave­nue, SFDM, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kapwa sugatang isinugod sa National Orthopedic Hospital ang mga biktimang sina Onofre Francisco, 35, sakay ng ambulansya ng San Jose Del Monte, Bulacan (SEB-952) habang nawalan naman ng malay ang driver nitong si Roberto Encargis, 45.

Ayon sa pulisya, po­sib­leng nagkalituhan umano ang mga driver ng dalawang sa­sakyan sa traffic lights sa lugar.

Aniya, naka-go signal umano ang linya ng Toyota Avanza na minamaneho ni Dra. Christine Grace Purpora, 32, ng Brgy. Commonwealth nang salpukin umano siya ng nagmamadaling ambulansya.

Wala namang anumang galos ang doktora na papa­uwi na sana noon sa kanilang bahay nang maganap ang aksidente.

vuukle comment

ANIYA

ARANETA

CHRISTINE GRACE PURPORA

DEL MONTE AVE

NATIONAL ORTHOPEDIC HOSPITAL

ONOFRE FRANCISCO

QUEZON CITY

ROBERTO ENCARGIS

SAN JOSE DEL MONTE

TOYOTA AVANZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with