^

Metro

Binatilyo tinodas dahil sa porma

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 2nd year high school student nang kursunadahin at saksakin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki dahil umano sa ‘porma’ nito habang naglalakad kasama ang nobya sa Port Area, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Ronald Reyes, estudyante ng Cory Aquino High School at residente ng New Side Baseco compound, Port Area, dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Hindi pa natutukoy ang pagki­kilanlan ng suspect na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Habitat, Baseco compound, Port Area.

Naglalakad na umano ang biktima at nobyang si Julie Ann papauwi ng bahay galing sa Baseco Plaza nang may sumita ditong lalaki at sinabihan ang biktima na masyadong maporma. Inangasan din naman umano ng biktima ang suspect dahil sa pambabastos nito kung saan bumunot ng patalim ang salarin at inundayan ng saksak ang biktima sa harap mismo ng nobya.   

BASECO

BASECO PLAZA

CORY AQUINO HIGH SCHOOL

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JULIE ANN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO ASILO

NEW SIDE BASECO

PORT AREA

RONALD REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with