^

Metro

Gatdula umapela sa extension ng TRO

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng sinibak na si NBI director Magtanggol Gatdula sa korte na marami sa kanyang civil rights ang na­labag ng Department of Justice (DOJ) sa umano’y railroaded na resulta ng imbestigasyon kaugnay sa kidnapping at extortion na inaakusa laban sa kanya ng Japanese national na si Noriyo Ohara.

Humarap kahapon si Gatdula sa pagdinig sa sala ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 8 Judge Felix­berto Olalia­ upang hilingin na palawigin pa ang una nang ipinagkaloob sa kanyang 72-hour temporary restraining order (TRO) ni Manila RTC Branch 22 Judge Marino de la Cruz Jr. noong nakalipas na Biyernes.

Una nang naghain ng urgent­ petition for certiorari and prohibition si Gatdula upang maharang ang pagsasagawa ng preliminary investigation laban­ sa kanya ng DOJ kaugnay sa kidnapping at extortion.

“Kami ay nag-argue sa korte para hingin ang ekstensyon ng 72-hour temporary restraining order. Sa aming palagay, nasa panganib si Director Gatdula to be prosecuted despite violations sa kanyang civil rights as a result of what we believe was a railroaded recommendation of the DOJ,” ayon sa counsel ni Gatdula na si Atty. Abraham Espejo.

Ani pa ni Espejo, bukod sa nalabag na ang apat na consti­tutional rights ng kanyang kli­yente tulad ng right to due pro­cess, right against self-incri­mination, the right to remain silent at the right for a counsel during an investigation, nangangamba siya na madiin sa kaso at makulong dahil walang kaukulang piyansa ang nasabing mga kaso.

Binigyan naman ni Olalia ng 4 na araw si Gatdula at ang Solicitor­ General na kumaka­tawan sa DOJ fact-finding panel­ at kay De Lima na magsumite ng kani-kanilang memoranda sa extension ng TRO.

Kasabay nito ay inatasan din ang OSG na maghain ng komento sa loob ng 15 araw ka­ugnay naman sa petition for a preliminary injunction sa na­ging rekomendasyon ng DOJ laban sa kanya.  

ABRAHAM ESPEJO

CRUZ JR.

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR GATDULA

GATDULA

JUDGE FELIX

JUDGE MARINO

MAGTANGGOL GATDULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with