Motorcycle regulations isinusulong sa Maynila
MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang konsehal ng Maynila ang pagkakaroon ng regulasyon sa mga motorsiklo upang maiwasan ang aksidente.
Sa isang draft ordinance na isinumite ni 3rd district councilor Joel Chua, kabilang sa mga regulasyon na isa lamang ang pinapayagan na sa motorsiklo; pinagbabawal ang paggamit ng earphone na nakakabit sa audio device; paggamit ng helmet sa lahat ng oras batay na rin sa ipinatutupad na ‘The Motorcycle Helmet Act of 2009’, at pagtiyak na maayos ang mga safety devices tulad ng side mirrors, headlight, taillights o signal lights at busina.
Ayon kay Chua, sa pamamagitan nito ay mababawasan ang mga aksidente sa kalsada gayundin ang mga riding in tandem.
Kasabay nito, nais din ni Chua, na dapat na ipagbawal ang paggamit ng helmet na hindi nakikita ang mukha ng rider o full face bukod pa sa paglalagay ng plaka ng motorsiklo sa helmet.
Binigyan diin ni Chua na ang kanyang pagsusumite ng nasabing ordinansa ay bunsod na rin ng mga ulat ng pagtaas ng insidente kung saan nasasangkot ang mga motorsiklo.
Pagmumultahin naman ng P500 hanggang P1,000 ang mga lalabag sa regulation sakaling maipasa sa konseho ng Maynila.
- Latest
- Trending