Bag ng granada, nakuha sa Caloocan

MANILA, Philippines - Nabulabog at natakot ang ilang residente sa Ca­loocan City matapos ma­tag­puan ang isang bag na naglalaman ng apat na pirasong granada sa isang bangketa sa lungsod kama­kalawa ng gabi. Sa inisyal na report ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi, isang residente ang nakakita sa bag na iniwan sa bangketa sa Franville 5, Urduja ng nabanggit na lungsod na naging dahilan upang itawag ito sa pulis. Nang respondehan ng mga pulis ay nalaman na ang laman ay apat na granada. Mabilis na dinala sa Explosive Ordnance Disposal Unit ng Caloocan City Po­lice ang nasabing mga gra­nada. Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nag-iwan ng mga granada sa nasabing lugar at kung ano ang pakay ng mga ito.  

Show comments