2 pulis, 2 pa todas sa Taguig blast
MANILA, Philippines - Apat na lalaki kabilang ang dalawang pulis ang nasawi makaraang sumambulat ang isang vintage bomb na tinangka nilang buksan sa loob ng isang metal workshop sa Taguig City kahapon ng hapon. Kinilala ang mga ito na sina PO2 Elizalde Bisaya, PO3 Jose Toralba, kapwa miyembro ng Special Action Force ng NCRPO, Crisanto Daguio, may-ari ng shop at Riza Romualdo, may-ari ng bakery habang kritikal naman si PO2 Arnold Mayo.
Naganap ang pagsabog pasado alas-3 ng hapon sa isang metal workshop sa may Purok 6 Brgy. Upper Bicutan sa naturang lungsod. Sinabi ni Taguig Police chief, Sr. Supt. Tomas Apolinario na may dalang isang mortar type ang mga biktima na kanilang tinangkang buksan sa loob ng metal workshop gamit ang isang acetylene torch.
Dito sumambulat ang naturang vintage bomb sa mismong mga biktima na naging dahilan ng kanilang pagkasawi. Patuloy naman ngayon ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan inaalam kung saan nakuha ng mga biktima ang naturang vintage bomb.
- Latest
- Trending