^

Metro

Mister utas sa tandem, misis kritikal

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister habang kritikal naman ang misis nito makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem sa Pasig City kahapon ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival sa Medical City ang 44-anyos na si Ronald Dizon sanhi sa tinamong mga tama ng bala sa   katawan habang kritikal naman ang 42-anyos na misis nito na si Lolita.

Sa inisyal na ulat ng Pasig City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-7 ng umaga sa kanto ng Mercedes Street at Market Avenue sa Brgy. San Miguel ng naturang lungsod.

Nabatid na dalawang traffic enforcer ang nakasaksi sa naturang pamamaril kung saan nilapitan ng angkas sa isang motorsiklo ang isang Mitsubishi Adventure na nakahinto at binistay ng bala ang mga taong sakay nito. Mabilis na pinaharurot ng mga salarin ang motorsiklo kung saan muntik pang mabangga ang traffic enforcer na si Rex San Agustin. Sinabi nito na “for registration” ang plaka ng motorsiklo na ginamit ng mga salarin.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng mga traffic enforcer na hindi nila namukhaan ang mga salarin dahil sa may suot na helmet ang driver habang nakasuot naman ng ball cap ang angkas nito.

Hiniling naman ng Pasig Police sa gasoline station na katapat ng lugar ng krimen na masuri ang “closed circuit television (CCTV)” nito upang mabatid kung nahagip ng camera ang naganap na insidente sa pag-asang makakakuha ng lead sa imbestigasyon para makilala ang mga salarin.

MARKET AVENUE

MEDICAL CITY

MERCEDES STREET

MITSUBISHI ADVENTURE

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

PASIG POLICE

REX SAN AGUSTIN

RONALD DIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with