^

Metro

Vendor sinaksak, binaril ng 3 lasing

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Saksak sa kanang tagi­liran at bala sa kanang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang 19-anyos na vendor nang kursunadahin ng tatlong lalaking lasing na armado ng baril at patalim, habang dumadaan kasama ang kaibigan, sa Parola, sakop ng  Binondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Sa report ni SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang ba­rilin at saksakin ang biktimang si Teodoro Ignacio Bulan, ng no. 931 Asuncion St.,Tondo subalit bandang alas-3:14 ng madaling-araw kahapon nang bawian na ito ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Nabatid sa ulat na isinama ng kaibigang si Jopher Pacoma, ng Parola Compound, ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang ma­padaan sa grupo ng mga suspect sa Area-H sa Gate 62 Parola Compound, kung saan sila hinarang at sinampal si Pacoma kaya sa takot ay nagtatakbo ang biktima.

Hinabol ang biktima ng tatlong suspect at nang makorner ay sinaksak sa tagiliran at pinaputukan ng ilang beses bago iniwan siya ng mga suspect.

Nang puntahan ni Pacoma ang biktima ay nakita niyang bulagta ito sa kalye kaya di­ nala sa pagamutan kung saan ito tuluyang binawian ng buhay.

AREA-H

ASUNCION ST.

CHARLES JOHN DURAN

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

JOPHER PA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SEC

PACOMA

PAROLA COMPOUND

TEODORO IGNACIO BULAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with