^

Metro

Tenants ng Ayala Alabang hihigpitan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ibayong paghihigpit pa ang ipatutupad ngayon sa mga tenants sa ekslusibong subdibisyon na Ayala-Alabang Village makaraan ang pagkakatuklas sa tatlong shabu laboratory sa loob nito.

Ito’y makaraan ang pagpupulong sa pagitan ng mga opisyales ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Brgy. Aya­la-Alabang Chairman Alfred Xerex Burgos at Ayala Alabang Village Association president Dr. Leandro de Leon.

Dito napagkasunduan ang mahigpit na “profiling” o pagtukoy sa pagkakakilanlan sa mga tenants,  pagsa­sagawa ng “background check” sa mga personalidad na nais umupa sa mga bahay sa subdibisyon, pagbi­bigay ng “visiting rights” sa may-ari upang mainspeks­yon ng regular ang mga pi­­nauupahan, at pagsasagawa ng “information at edu­cational campaign” sa mga residente.

Sinabi ni Omar Acosta, tagapagsalita ni Mayor Al­drin San Pedro, na importante na makilala muna ang background ng mga nais umupa sa mga real property hindi lang sa loob ng Ayala Alabang Village ngunit ma­ging sa ibang lugar upang matiyak na hindi gagamitin ang ari-arian sa iligal na gawain.

Matatandaan na unang sinalakay ng mga tauhan ng PDEA ang isang shabu lab sa loob ng Ayala Alabang Village nitong nakaraang Enero 7 kung saan limang Chinese national ang nadakip at sinundan pa ng pagkakadiskubre sa da­lawa pang shabu lab nitong Enero­ 14 sa naturang subdibisyon.

ALABANG CHAIRMAN ALFRED XEREX BURGOS

AYALA ALABANG VILLAGE

AYALA ALABANG VILLAGE ASSOCIATION

AYALA-ALABANG VILLAGE

DR. LEANDRO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ENERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with