^

Metro

Misis ng pulis nagbaril sa sarili

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang ginang ang nagpakamatay sa pamamagitan umano ng pagbaril sa kanyang sarili gamit ang baril ng kanyang asawang pulis sa loob ng kanilang tinutuluyan sa lungsod Quezon ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Insp. Rafael Peralta, hepe ng investigation division ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, ang biktima na si Zita Delada-Solana, 40, may-asawa ng no.1621 Sa­muel St., Jordan Plain Subdivision, Brgy. Sta. Mo­nica sa lungsod.

Ayon kay Peralta, ang bik­tima ay nadiskubre na lamang ng kanyang anak na si John Ray habang duguang nakaupo sa sahig ng kanilang kuwarto ganap na alas 2 ng madaling-araw.

Bago nito, sabay-sabay pa umanong natulog ang bik­tima, at asawa nitong si PO2 Daniel Solana, nakatalaga sa Police Provincial 4, katabi ang kanilang anak na si John Ray na walang ka­malay-malay na magaganap ang insidente.

Diumano, ilang oras ang lumipas ay nagising na lamang si John Ray nang ma­karamdam ito ng init mula sa katabi, at nang buma­ngon ay saka natuklasan ang ka­lunus-lunos na kalagayan ng ina.

Agad na ginising ng bata ang kanyang tatay at isinugod sa FEU hospital ang biktima, pero idineklara din itong dead on arrival dahil sa isang tama ng bala sa dibdib na naglagos sa kanyang likuran.

Narekober sa lugar ang isang kalibre 9mm pistola na may lamang 10 bala at isang deformed slug na ginamit umano sa nasabing insidente.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng CIDU na ikalawang pagkakataon ng tinangkang magpakamatay ng biktima kung saan unang naganap noong Nobyembre ng nakaraang taon nang inumin nito ang chemical na pamatay ng insekto pero agad ding nailigtas ng kanyang mga kaanak.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente kung may naganap na foul play habang isinailalim na rin ng CIDU si Daniel sa paraffin test upang matukoy kung nagpaputok ito ng baril.

Sabi ni Peralta, blangko pa rin sila sa dahilan ng ma­limit na nagtatangkang magpakamatay ang biktima dahil wala pa silang nakukuhang tiyak na kasagutan sa pamilya nito.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DANIEL SOLANA

JOHN RAY

JORDAN PLAIN SUBDIVISION

PERALTA

POLICE PROVINCIAL

QUEZON CITY POLICE

RAFAEL PERALTA

SHY

ZITA DELADA-SOLANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with