^

Metro

Electoral protest ni Tinga vs Cayetano ipinababasura sa Comelec

-

MANILA, Philippines - Umapela ang mga re­sidente ng Taguig City sa Commission on Elections (Comelec) na ibasura na ang kasong electoral sabotage na isinampa ng natalong ma­yoralty candidate na si Dante Tinga laban sa kanilang alkaldeng si Taguig City Mayor Lani Cayetano dahil na rin sa kawalang basehan nito.

May 1,000 residente ng Taguig City ang nagtungo sa tanggapan ng Comelec noong Biyernes kung saan sinabi nito na hindi sila magsasawa na  mag-rally at manawagan upang ibasura na ang election protest gaya ng ginawa ng komisyon sa kaparehas na electoral protest sa ba­yan ng Cabuyao, Laguna. 

Ayon kay Atty. Darwin Icay, tagapagsalita ni Cayetano, una nang ibina­sura ng Comelec ang election protest na isinampa ni Nila Aguillo laban kay Isidro Hemedes, Jr.ng Cabuyao, Laguna, ang naibasurang electoral case umano ni Aguillo ay kaparehas ng mga alegasyon ng protesta na isinampa ng tinalo ni Cayetano sa halalan na si Tinga.

“Umaapela kaming mga Taguigeño sa Comelec en Banc na tingnan ang ma­liwanag na pagkakapareho ng Cabuyao, Laguna electoral case na ibinasura na ng Comelec. 

Kaya nararapat lamang na ibasura na rin ang elec­toral case sa Taguig,” pahayag pa ni Icay.

“Nang aming datnan ang mga ballot boxes na iningatan ng mga Tinga noong tran­sition period ay sinalbahe na ito. Maraming ballot boxes ang halatang pinakialaman. Meron po kaming mga video at larawan na magpapatunay sa nangyari sa mga ballot box,” dagdag pa ni Atty. Icay.

Mula sa pang-44 sa listahan ng electoral case na hawak ng Comelec ay nagawa itong pang-apat na kung hindi dahil sa maagap na aksyong legal ng kampo ni Mayor­ Cayetano ay nagtagumpay ang paggamit ng ma­lawak na impluwensiya nito.

vuukle comment

CABUYAO

CAYETANO

COMELEC

DANTE TINGA

DARWIN ICAY

ICAY

ISIDRO HEMEDES

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with