^

Metro

Lolo todas sa 3 tandem

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 67-anyos na lolong pasahero ng traysikel ang iniulat na nasawi ma­tapos tamaan ng ligaw na bala ng baril mula sa naghahabulan at nagbabarilang tatlong motorcycle rider sa Gagalangin, Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Bandang alas-8 ng gabi nang makasalubong si kamatayan habang ginagamot sa Martinez Hospital sa Caloocan City ang biktimang si  Alfredo Santos ng #323 Dayao Street, Balut,Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:15 ng hapon nang maganap ang habulan at nagbabarilang kalalakihang lulan ng tatlong motorsiklo sa Juan Luna Street, malapit sa Pag-asa Street sa Gagalangin.

Sa salaysay ng traysikel driver na si William Garcia, 28, backrider niya si Santos nang maghabulan ang mga motorsiklo habang nagpapaputok ng baril sa ere ng baril.

Dalawang beses nagpaputok ng baril ang sakay ng motorsiklo bago inasinta ang dalawa sa unahang mga motorsiklo na may sakay na tig-dalawang lalaki kung saan tinamaan ang biktima ng ligaw na bala.

vuukle comment

ALFREDO SANTOS

CALOOCAN CITY

DAYAO STREET

GAGALANGIN

JUAN LUNA STREET

JUPITER TAJONERA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARTINEZ HOSPITAL

MAYNILA

WILLIAM GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with