8 huli sa video karera
MANILA, Philippines - Walo katao ang dinakip matapos na salakayin ng mga tauhan ng Manila City Hall Police Assistance (CHAPA) ang dalawang bahay na pinaglalagyan ng video karera sa Pandacan, Maynila.
Kinilala ang mga inaresto na sina Ricky Lauzon, 32; Renato delos Trinos, 44; Renato Emmanuel, 35; Abelardo Lumanlan,42 na huli sa aktong naglalaro ng VK sa #1922 Obesis St. Pandacan, Manila at sina Lezel Quizmoro, 40; Christopher Bonete, 26; Edward Zapeda, 28, na nasa #1918 Obesis St. Pandacan, Maynila.
Batay sa report ni Chief Insp. Marcelo Reyes, hepe ng CHAPA at concurrent ng General Assignment Section ng Manila Police District (MPD), nakatanggap sila ng reklamo na laganap ang VK sa lugar na mahigpit na ipinagbabawal ni Manila Mayor Alfredo Lim.
Agad na pinakalat ni Reyes ang kanyang mga tauhan na sina Insp. Adelaido Araneta, PO3 Alfredo Castro, PO2 Rodel Maligon na nasa 1st team habang sina PO2 Aurelio Neral III, JayJay Jacob, PO2 Sabino Panganiban, Jr. at PO1 Dennis Suba ang 2nd team na sumalakay sa Brgy. 844 Zone 92.
Dito ay huli sa akto ang pito sa paglalaro ng VK kung saan nakuha din ang mga P1 coin na ginagamit sa VK.
Makaraan ang ilang minuto ay dumating ang isang Raquel Quizmoro kung saan pilit na kinukuha si Lezel Quizmoro. Pinayuhan at binalaan ni Reyes si Raquel na hindi maaaring palayain si Lezel dahil huli ito sa aktong naglalaro ng VK na lalong ikinagalit ni Raquel. Dito na din inutos ni Reyes ang paghuli kay Racquel.
Ang pito ay kakasuhan ng PD 1602 o illegal gambling habang si Raquel ay kakasuhan ng Disobedience to Lawful Order habang nakakulong sa Manila City Hall detention cell.
- Latest
- Trending