^

Metro

2 holdaper bulagta sa pulis­

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bumulagta ang dalawang lalaki na itinuturong nangholdap sa 28-anyos na babaeng nag-aabang ng masasakyan matapos bumaba ng barko sa Pier 2, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ang isa na nasa edad na 25-30; 5’2’’ ang taas; katamtaman ang panganga­tawan; naka­suot ng itim na short pants at dilaw na t-shirt; may tattoo na 5 bilog sa kanang kamay at tattoo rin na “Sputnik” sa likod.

Nasa edad naman na 40-45 ang isa pa, may taas na 5’10’’, nakasuot ng itim na t-shirt at blue denim pants at tattoo na mga pangalang “Sarmiento”,  “Garry” at “William” sa likod.

Sa report ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Road 10 at Zaragoza St., Tondo.

Nauna dito, isang Ruby Gomez Alcasid, 28 ng St. Andrew St., Moonwalk Subd., Parañaque City, ang nagsisigaw ma­tapos tangayin umano ang kanyang bag na nag­lalaman ng mahahalagang kagamitan. Ito umano ay kabababa pa lamang mula sa biyahe ng barko at habang nag-aabang ng taxi ay nilapitan, tinutukan ng baril at pwersahang inagaw ang  bag.

Nakapukaw naman ng pansin sa mga nagpapatrulyang mga tauhan ng MPD-station 2, moto­rized anti-street crime operatives (MASCO) ang sigaw ng biktima kaya hinabol ang mga suspect na nagtangka umanong paputukan ang mga pulis kaya sila pinagbabaril.

Narekober sa mga bangkay ang bag ng biktima.

Kamakalawa lamang ay iniulat ng MPD-Homi­cide Section ang dalawang insidente ng pagbulagta ng 3 holdaper na napatay din ng mga rumespondeng mga pulis sa magkahiwalay na pangyayari sa Singalong at Tondo, Maynila.

vuukle comment

BUMULAGTA

CHARLES JOHN DURAN

GARRY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MOONWALK SUBD

RUBY GOMEZ ALCASID

ST. ANDREW ST.

ZARAGOZA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with