^

Metro

13-anyos pinatay sa loob ng bahay, anggulong rape sinisiyasat

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 13-anyos na dalagita nang pagsasaksakin sa loob ng kanyang kuwarto, sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dinala pa ang duguang katawan ng biktimang si Adrienne Mharie Bonavente, estudyante at residente ng #373 Quintina St., Sta. Mesa, Maynila sa UST Hospital subalit idineklarang patay na.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Milbert Ba­linggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima.

Narinig umano nina Jacquiline Tan at Ro­berto Pelaez, katabing silid ng biktima, na may sumisigaw sa loob ng kuwarto ng biktima, na inakalang simpleng argumento kaya hindi nila pinansin.

Nang pasukin umano ang silid ng biktima ng isang Earl Richard Dizon, 13, nakita niyang duguan na ang biktima kaya sinabi ito sa lola ng biktima na si Rosario Pelaez.

Maraming dugo ang halos natuyo na sa kobre-kama at plywood na partisyon ng silid ng biktima bagama’t ma­ayos naman ang mga kagamitan nito, na pinaniniwalaang walang pagnanakaw.

Samantala,isang kaanak umano ng bik­tima ang itinuturong suspect sa pagpatay sa dalagita na kasalukuyang iniimbestigahan.

Nakakuha umano ng impormasyon si Chairman Benjamin Nuguit ng Barangay 424 Zone 43, mula sa isang ginang na nakita ang tiyuhin ng biktima na pansamantalang itinago ang pangalan,  37-anyos, hiwalay sa asawa at sina­sabing lulong sa iligal­ na droga­ ang posibleng may kagagawan ng krimen.

Inaalam din kung ginahasa o tinangkang gahasain ang dalagita at ang pagpatay dito ay posibleng bunsod na kakilala niya ang suspect.

vuukle comment

ADRIENNE MHARIE BONAVENTE

BIKTIMA

CHAIRMAN BENJAMIN NUGUIT

EARL RICHARD DIZON

JACQUILINE TAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MILBERT BA

QUINTINA ST.

ROSARIO PELAEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with