^

Metro

14-anyos ginulpi SK chairman, 1 pa arestado

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang chairman ng Sangguniang Kabataaan (SK) at ang pinsan nito matapos pag­tripang gulpihin ang isang 14-anyos na batang lalaki kahapon ng madaling araw  sa Caloocan City.

Nakakulong at nahaharap sa  kasong physical injury in relation to child abuse ang mga suspek na sina Niño Icered Lazaro­, 18, SK Chairman ng Brgy. 4 ng nabanggit na siyudad  at ang   pinsan nitong si John Jerry dela Torre, 23,  kapwa­ residente ng Velasco St., ng naturang lugar. 

Ang biktima naman ay itinago sa pangalang Sonny, nakatira sa Pili St., ng nabanggit na siyudad, nagtamo ito ng sugat, bukol at pasa sa kanyang katawan.

Sa pahayag ng biktima sa mga kagawad ng Caloocan City Police, na­ganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw habang siya ay naglalakad sa kahabaan ng A. Mabini St., ng naturang  lungsod,  nang lapitan at bigla na lamang pagtulungang bugbugin ng mga suspect  na kapwa lango sa alak.

Nakita naman ng mga nagro­rondang mga tanod ang pangyayari na naging dahilan upang tulungan ang biktima at dakpin ang mga suspect.

Giit ng biktima, wala naman siyang atraso o anumang kasalanan sa mga suspect kung kaya’t laking gulat niya nang bigla na lamang siyang kuyugin ng magpinsan.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

ICERED LAZARO

JOHN JERRY

MABINI ST.

PILI ST.

SANGGUNIANG KABATAAAN

VELASCO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with