^

Metro

P1-B shabu nasamsam sa drug laboratory

- Nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1 bilyong halaga ng shabu at mga kemikal sa paggawa nito ang nasamsam ng pinagsanib na elemento ng anti-narcotics operatives ng Philippine National Police (PNP) at Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang raid sa isang laboratory ng shabu sa Caloocan City kahapon.

Personal namang nagtungo sa Caloocan City bandang alas-2 ng hapon ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome upang i-assess ang anti-drug ope­rations at follow-up raids sa iba pang lugar kaugnay ng hot pursuit operations laban sa hinihinalang Chinese drug syndicates na responsable sa pagtatayo ng naturang shabu laboratory.

Ayon kay Bartolome, ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu­ ni Hon Fernando Sagun ng Quezon City Regional Trial Court, PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force sa isang bodega sa #22 Diamond St., Brgy. Kaybiga, Caloocan City.  

Ang naturang lugar, ayon kay Bartolome ay positibong natukoy sa isinagawang surveillance operations ng mga awtoridad na inio-operate ng mga pinaghihinalaang Chinese big-time drug traffickers.

Nasamsam sa operas­yon ang 280 kilo ng semi-finished methamphetamine hydrochloride na maaring makapag-prodyus ng 200 kilo ng high grade shabu na nagkakahalaga ng P 1 bilyon.

Sinabi ni Bartolome na ang naturang mga ‘half baked shabu’ ay naka-pack sa tig-1 kilong teabags na nasa 14 kahon na may Chinese markings na tumitimbang ng 20 kilo.

 Nakuha rin sa lugar ang mga kemikal na gamit sa paggawa ng shabu at mga kagamitan tulad ng 180 piraso ng tig 2.5 litro ng high grade ethanol na gawa sa Spain, hydrochloric acid mula sa Germany at Thailand, caustic soda, red phosphorous, activated carbon, metallic blender, metallic spin dryer, buchner funnel, suction pumps at filter papers.

Sa followup operation, sinalakay naman ng pulisya ang isang bahay sa Samat St. sa Quezon City na pinaniniwalaang tinutuluyan ng mga chemist at technicians na nasa likod ng operasyon ng naturang shabu laboratory sa Caloocan City pero walang naaresto sa lugar na pinaniniwalaang nakatakas matapos na matunugan ang paparating na mga operatiba.

BARTOLOME

CALOOCAN CITY

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

DIAMOND ST.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

HON FERNANDO SAGUN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with