^

Metro

780 kilo ng frozen meat nakumpiska

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinagpatuloy ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang kampanya laban sa mga frozen meat na iligal na ibini­benta sa mga palengke sa Taguig at Mandaluyong City.

Unang sinalakay ng mga tauhan ng NMIS ang Bicutan Public Market sa Taguig dakong alas-4 ng madaling-araw kung saan nakumpiska ang nasa 130 kilo ng mga frozen meat ng manok, baka at baboy.

Inabutan ng mga awtoridad ang naturang mga karne na wala sa tamang lalagyan at wala ring freezer na isa sa panun­tunan sa pagbebenta ng mga frozen meat sa pamilihan.

Sunod na sinalakay ng NMIS ang Kalentong Public Market sa Mandaluyong dakong alas-5 ng madaling araw kung saan nakumpiska naman ang nasa 650 kilo ng mga frozen meat.

Iginiit naman ni Dr. Fernando Lontoc, hepe ng NMIS Accreditation, Registration and Enforcement Division, na ang mga kinumpiskang mga karne ay hindi nakalagay sa freezer kaya maaaring kontaminado na ang mga ito dahil sa hindi maayos na paghawak ng mga negosyante.

BICUTAN PUBLIC MARKET

DR. FERNANDO LONTOC

IGINIIT

INABUTAN

KALENTONG PUBLIC MARKET

MANDALUYONG CITY

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

REGISTRATION AND ENFORCEMENT DIVISION

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with