Barangay ex-officio utas sa ambush

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang isang 37-anyos na barangay ex-officio makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakaupo sa harapan ng barangay hall sa Sta. Ana, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Erickson Gariando, ng Brgy. 770 Zone 84, Sta. Ana, bunga ng tinamong pitong tama ng bala sa katawan.

Dakong alas -11:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa harap ng tanggapan ng Brgy. 770, Zone 84, Sta. Ana.

Naka-duty umano ang biktima at nakaupo sa harap ng mismong barangay hall nang biglang dumating ang dalawang suspect at mabilisang pinaputukan ito ng sunud-sunod­ bago humarurot papatakas.

Nangangalap pa ng impormasyon ang awtoridad para matukoy ang motibo at maaresto ang mga suspect at may pakana ng pamamaslang.

Show comments