5-anyos lunod sa ilog

MANILA, Philippines - Patay na nang maiahon sa ilog ang isang limang taong gulang na batang lalaki matapos itong mahulog habang naglalaro sa tulay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Ian Zamora, ng Sta. Quiteria, Caloocan City. Sa report ng pulisya, nabatid na dakong ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang mahulog ang biktima sa Tulla­han River habang naglalaro sa tulay sa nasabing lugar.

Dakong alas-6 na ng gabi nang makuha ang bangkay ng bata ng Caloocan City Rescue­ Team.

Show comments