MANILA, Philippines - Ipinahiwatig ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na posibleng maipatupad sa lungsod ang ekstensyon sa pagbabayad ng buwis, partikular ng business tax.
Ang payment ng business tax ay hanggang Enero 20 na lamang ng taong ito.
Sa isang panayam, sinabi ni Belmonte na taun-taon naman ay nagkakaroon ng tsansa na ma-extend ang bayarin dito upang mabigyan pa ng palugit at panahon ang mga taxpayers na makapagbayad ng buwis nang walang kaukulang interest at penalties.
Aniya, nagpanukala na sina Councilors Julian Coseteng, Godofredo Liban II, Jesus Suntay at Eufemio Lagumbay ng urgent bill para ma-extend ng hanggang January 31, 2012 ang pagbabayad ng business tax sa lungsod nang walang surcharges at penalties.
Sinabi ni Belmonte na bubusisiin agad ng City Council ang panukalang ito upang bago sumapit ang Enero 20 at maaprubahan agad para sa kapakanan ng mga taxpayers partikular ng mga taga-lungsod.