Lalaki patay sa shootout

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki at arestado naman ang isa pa matapos ang naganap na barilan sa pagitan ng dalawang grupo ng kalalakihan na may kinalaman sa droga kamakalawa sa Taguig City.

Dead-on-the-spot ang bikimang si Anawe Tanton, 33, ng Marantao St., Brgy. Maharlika Village, ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ibat

ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman ang isang nagngangalang Michael Tantong, 26, at nakumpiska dito ang isang kalibre .45 pistol na may markang property ng United State of America (USA) at dalawang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Samantala, inaalam pa ng pulisya kung sino ang bumaril sa biktimang si Tanton.

Sa imbestigasyon ng Taguig City Police, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa panulukan ng Lanao at Marawi Sts., Brgy. Maharlika Village ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Ismael Sarip, BSF chief ng Barangay Maharlika Village, isang concerned citizen na hindi nagpabanggit ng pangalan ang nagtungo sa kanilang tanggapan upang ipagbigay-alam ang nagaganap na barilan sa pagitan ng dalawang grupo ng kalalakihan na may kinalaman sa droga.

Kaagad rumesponde ang mga tanod at nakita nga nilang nakabulagta ang biktima na wala ng buhay habang naabutan nila si Tantong na may dalang baril at shabu kung kaya’t mabilis itong inaresto. Kung saan tumakas naman ang ilang grupo ng kalalakihan na nakasakay ng motorsiklo. Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

Show comments