^

Metro

Ex-con itinumba

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang ex-convict na may patung-patong na kaso ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa sa Pasay City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Pasay City Gene­ral Hospital ang biktimang si Mark Anthony Mallari, 24, tricycle driver, ng Laurel St., Decena, Pasay City sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .9mm na baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City Police, Station Investigation Division (SID), naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon sa panu­lukan ng Laurel at Decena Sts., ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na habang nakatayo ang biktima ay biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabi itong pinagbabaril hanggang sa tuluyang bumulagta.

Matapos ang pamamaril ay kaagad na tumakas ang suspek at ang biktima naman ay dinala ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na pagamutan, su­balit binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

Base sa record ng pulisya, nabatid na ang nasawing biktima ay may dating mga kasong serious physical injuries, theft at droga, kung saan ay nasentensiyahan ito ng korte.

Nabatid pa na naka- probation lamang ito noong 2007 dahil sa kasong serious physical injuries at sa ngayon ay pan­samantalang nakalaya ito dahil sa piyansa sa kasong droga.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BINAWIAN

DECENA

DECENA STS

LAUREL ST.

MARK ANTHONY MALLARI

NABATID

PASAY CITY

PASAY CITY GENE

PASAY CITY POLICE

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with