Bebot itinumba sa QC

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae na tadtad ng saksak sa katawan ang natagpuan sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District, ang biktima ay isina­larawan sa pagitan ng edad 40-45, may taas na 4’9’’ at walang saplot sa katawan.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa may kahabaan ng Kaingin Road, Brgy. Apo­lonio Samson pasado ala-1 ng madaling-araw.

Ayon kay Reynaldo Sebastian, barangay tanod, ang pagkakatagpo sa bangkay ay bunsod ng tawag sa kanila ng isang jeepney driver hinggil sa isang babae na nakahandusay sa naturang lugar.

Inakala umano ng nakakita na natutulog lamang ang babae, kaya kailangan ng tulong ng barangay para gisingin ito.

Agad na pinuntahan ni Sebastian kasama ang iba pang kagawad ng barangay ang lugar kung saan nila nabatid na patay na ito at tadtad ng saksak sa katawan.

Inaalam ng pulisya ang pag­kakakilanlan ng biktima na pina­lalagay na biktima ng summary execution.  

Show comments