^

Metro

Tsinay patay sa holdap

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 28-anyos na Filipino-Chinese trader, habang sugatan naman ang kapatid at ama nito matapos silang­ holdapin ng apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo, na humoldap sa kanila sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Heidi Hsu, dalaga, ng Binondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa kanang balikat.

Kritikal ang kondisyon sa naturang pagamutan ang 24-anyos na si Herbert Hsu, nakababatang kapatid ni Heidi na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan habang nagpapagaling naman sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang ama nila na si Tony Hsu, 67, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang hita. Blangko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan sa mga suspect na riding-in-tandem.

Sa ulat ni PO3 Mario Asilo ng Manila Police District-Homi­cide Section, dakong alas-7:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Madrid at Lavezares Sts., Binondo.

Nabatid na nagsara ng kanilang tindahan ng sibuyas sa Divisoria ang magkapatid na Heidi at Herbert at habang nag­lalakad papauwi sa kanilang bahay na may 15 metro lang ang layo nang harangin sila ng mga suspect at hinihingi ang dalang bag ng biktima na naglalaman ng pera subalit pumalag umano si Heidi kaya pinaputukan ito ng isa sa suspect at nang akmang tutulong si Herbert ay siya naman ang pinaputukan.

Nang makarinig ng putok ang ama na nasa loob ng bahay, lumabas ito at bago pa tuluyang makalapit sa mga anak ay pinaputukan din ng isa pang suspect.

Pinaharurot ng mga suspect ang motorsiklo sa direksiyon ng Delpan saka pa lamang nakasaklolo ang mga kapitbahay na dalhin ang mag-aama sa pagamutan. Hindi natangay ang bag ng mga biktima at kumpleto pa ang pera na isinurender ng rumespondeng pulis.

Nabatid sa pahayag ng biktimang si Tony na minsan nang nabiktima ng holdap ang kaniya namang misis sa nasabi ding lugar.

BINONDO

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

HEIDI

HEIDI HSU

HERBERT HSU

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL

LAVEZARES STS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

MARIO ASILO

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with