^

Metro

Bangkay ng babae, isinilid sa maleta

- Butch M. Quejada, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang nakasilid sa loob ng isang kulay brown na maleta at iniwan sa tabi ng isang flower box sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) Terminal 2 parking area, kahapon.

Ayon sa mga kawani ng PNP Scene of the Crime Ope­rations (SOCO), nag-imbestiga sa kaso, ang biktima ay tinatayang hindi lalagpas sa 18-anyos, may limang talampakan ang taas at nakasuot ng asul na sleeveless t-shirt at itim na tight jeans.

Ayon sa ulat, ang biktima ay pinagkasya sa loob ng maleta na may taas na 36 inches haba, 18 inches lapad at 10 inches ang lalim habang nakatiklop ang dalawang paa at kamay.

Naniniwala ang mga imbestigador na may ilang oras pa lamang pinatay ang biktima dahil nang buksan nila ang maleta ay wala pa itong amoy.

Ayon sa mga ito, malamang pinatay sa ibang lugar ang biktima saka iniwan sa NAIA para maligaw ang imbestigasyon.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na basag ang nguso ng biktima at namamaga ang kaliwang bahagi ng mukha na pa­la­tandaan na pinalo ng ma­tigas na bagay na naging sanhi ng kanyang kama­tayan. Bukod dito, wala namang iba pang pinsala sa ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Sa imbestigasyon nina Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, posible umanong kamaka­lawa pa ng gabi iniwanan sa naturang car park ang maletang nagla­laman ng bangkay ng biktima. May hinala rin ang pulisyang po­sibleng nagtatrabaho rin sa NAIA ang nag-iwan ng bangkay ng babae dahil kabisado nito ang lugar na pag-iiwanan sa maleta na hindi maha­hagip ng close circuit television (CCTV) camera.

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

BUKOD

CHIEF INSP

ISANG

JOEY GOFORTH

NINOY AQUINO INTER

SCENE OF THE CRIME OPE

SHY

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with