^

Metro

Bilang ng malnourished sa Navotas, bumaba

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dahil bumaba ang bilang ng mga mal­nourished na kabataan, itinuring na naging ma­tagumpay ang anim na buwang feeding program ng Navotas City.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, nitong nakalipas na taon ay nasa 4.8 na porsiyento ang taas ng mga batang malnourished hanggang sa bumaba na lamang ito sa kasalukuyan sa 1.1%.

Ito’y sa pakikipagtulungan na rin ng Sang­guniang Kabataan, Ba­­rangay Council, Ba­rangay Health Workers at City Social Welfare Development na umabot sa 1,134 na mga batang malnourished ang nabigyan ng supply ng mga masustansiyang pagkain at bitamina sa loob ng 6-na buwan mula sa 14 na barangay.

Layunin ng lungsod na sa pagtatapos ng taong™ 2012 ay maging zero mal­nourished na ang lungsod.

Kaugnay nito, nakikipagtulungan na rin ang Department of Health sa pamahalaan lungsod para sa pagko­lekta ng bagong datos na bilang ng mga batang mababa ang timbang o mal­nourished simula ngayong buwan hanggang Marso para sa pag­hahanda ng mga pangunahing supply sa gaga­wing feeding program na magsisimula sa Abril 2012.  

ABRIL

AYON

CITY SOCIAL WELFARE DEVELOPMENT

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH WORKERS

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY MAYOR JOHN REY TIANGCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with