^

Metro

Holdaper/rapist timbog, matapos makunan ng CCTV

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Arestado na ng pulisya ang isa sa dalawang holdaper na humalay at pumatay sa isang dalaga matapos makita sa close circuit television ang suspek na nakaakbay sa biktima sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong rape at robbery with homicide ang suspek na si Vrian de Guia, 17, ng Cabral St., Brgy. Maysan, ng nabanggit na lungsod habang nakatakas naman si Marcelo Pabelonia Jr., alyas Jay-Ar.

Base sa rekord ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon noong Disyembre 27, 2011 nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Grace David, 36, ng Lucas St., ng nabanggit na barangay na natabunan ng mga damo sa isang bakanteng lote sa may Cabral St.

Makalipas ang isang linggo, nakuha ng mga pulis ang video ng nakakabit na CCTV sa Cabral St., at nang tingnan ay lumitaw si De Guia na nakaakbay sa biktima alas-12:15 ng umaga, Disyembre 27, 2011.

Inimbitahan ng mga pulis si De Guia at sinabing naka-inom sila ng alak at napagtripang holdapin ang biktima na naglalakad.

Tinutukan umano ng patalim ni Jay-Ar ang biktima bago nila dinala sa bakanteng lote at saka hinalay bago binagsakan ng malaking tipak ng bato sa ulo   na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

vuukle comment

ARESTADO

CABRAL ST.

DE GUIA

DISYEMBRE

GRACE DAVID

JAY-AR

LUCAS ST.

MARCELO PABELONIA JR.

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with