^

Metro

9-M deboto ng Nazareno pang-Guinness

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Maituturing na pang-Guin­ness World Record ang 9-milyon deboto na da­dagsa ngayong araw sa pagdiriwang ng kapistahan ng “Itim na Nazareno” sa Qui­apo, Maynila.

Ito naman ang inihayag ni Chief Insp. Erwin Margarejo, spokesman ng Manila Police District (MPD), kung kaya’t triple na rin ang paghahanda ng kapu­lisan sa tulong ng iba pang mga ahensiya ng lungsod ng Maynila.

Ayon naman kay MPD director Chief Supt. Alex Gutierrez, inaasahan na rin umano nila ang bilang ng mga deboto ng Black Na­zareno lalo pa’t hindi la­­­mang sa Maynila ito ipinagdiriwang kundi sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi ni Gutierrez na halos taun-taon umano ay nagdadagdagan ang bi­­lang ng mga deboto ba­tay na rin umano sa ka­­nilang paniniwala at tra­­­disyon ng pamilya. Umaabot lamang sa 7 milyon ang de­boto noong na­karaang taon.

Samantala, kahapon pa ng madaling-araw nang si­mulan ang pahalik sa imahe ng Nazareno de Qui­apo bago ito mailipat sa simbahan patungo sa Quirino Grandstand.

Ayon sa “Hijos del Na­zareno,” agad sinimulan ang pahalik upang huwag ng humaba ang pila at ma­iwasan ang siksikan ng ma­raming deboto.

Magugunitang ala-1:00 ng hapon sinisimulan ang pahalik kaya nagkakabu­hol-buhol ang trapiko sa mga kalsadang patungo sa Luneta.

Nais lamang ni MPD Traffic chief, Sr. Supt. Reynaldo Nava na matiyak na hindi maaapektuhan ang maraming motorista sa ka­­­­piyestahan ngayon kasabay ng pagpapairal ng rerouting scheme na kanilang ipinatutupad.

Base sa traffic advisory, alas-4:00 ng madaling- araw ngayon ay isasara na sa mga Public Utility Vehicles (PUV) ang southbound lane ng Quezon Blvd., sa Quiapo, Maynila mula Andalucia, Fugoso pa­­tungong Plaza Miranda, maging ang España, P. Campa at Lerma.

Ang mga manggaga­ling ng Quezon City na du­­maraan ng España ay kakanan ng P. Campa, kaliwa ng Andalucia, kanan ng Fugoso patungong T. Mapua hanggang sa destinasyon nito.

Gayundin, ang mga mang­­gagaling ng south ay pinapayuhan na lamang na umiwas sa bahagi ng Quiapo, partikular sa daraanan ng prusisyon upang huwag maipit.

Magugunita na noong nakalipas na taon ay uma­bot sa hanggang 15 oras ang nilakbay ng prusisyon bago nakabalik ang Na­za­reno sa Simbahan ng Quiapo.

Nabatid na ang ruta ng prusisyon ay magsisimula sa Quirino Grandstand pa­tungong Katigbak drive, diretso sa P. Burgos, kakali­wa sa Taft Avenue, diret­so sa Mc Arthur bridge, kanan sa Palanca diretso sa Mc­Arthur bridge, kali­wa sa Quezon Boulevard, kanan sa Arlegui, kanan sa Car­cer, kanan sa Hidalgo, di­­retso sa Plaza del Carmen, kaliwa sa Bilibid Vie­jo lusot sa Puyat, kaliwa sa Guzman, kanan sa Hidalgo, kaliwa sa Barbosa, kanan sa Globo de Oro, diretso sa ilalim ng Quezon Bridge, kanan sa Palanca, kanan sa Villalobos, papuntang Pla­za Miranda papasok sa Quiapo Church.

Muling pinayuhan ng MPD ang mga deboto na iwasan magsuot ng alahas, magbitbit ng bata, mag­­dala ng malaking halaga ng salapi, para makaiwas na mabiktima ng mga masasamang elemento.

ALEX GUTIERREZ

ANDALUCIA

AYON

BILIBID VIE

KANAN

MAYNILA

QUIRINO GRANDSTAND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with