Lalaki itinumba ng riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ansari Lumna Adato, 32, tubong Carangian City, Tarlac sanhi ng tinamong da­lawang tama ng bala ng baril sa ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi sa harapan ng isang motel sa kahabaan ng Cuneta Avenue, Pasay City habang nakatayo sa lugar ang biktima nang biglang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka, na sakay ang mga suspek. Isa sa mga ito ang bumunot ng baril at saka ipinutok sa ulo ng biktima saka mabilis na nagsitakas.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang krimen, habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.  

Show comments