Train tourist assistant, nanlatigo ng 3 bata ipinasisibak

MANILA, Philippines - Pinasisibak at ayaw nang pabalikin pa upang magtrabaho sa Rizal Park ng pamu­nuan ng National Parks De­velopment Committee (NPDC) ang isang tourist train assistant na napabalitang umano’y nanlatigo ng tatlong kabataan sa parke nitong nakalipas na Enero 2, 2012.

Ayon sa liham ni NPDC Executive Director Juliet Villegas kay Mr. Ronnie Sta. Maria, General Manager ng Castillan Carriage & Tour Services, ipinahatid nito ang pagkadismaya sa pamunuan dahil na rin sa pagkakasangkot ng empleyado nito na si Sylvia Principe sa pananakit sa mga kabataan dahilan upang makaladkad sa kahihiyan ang pangalan at management ng Rizal Park o Luneta.

Ang nabanggit na kompanya ay concessioner ng NPDC o ang kompanya na pinayagan ng nabanggit na ahensya na makapag-ope­rate ng train at mga kalesa sa Rizal Park.

Bukod dito, hiniling rin ni Villegas kay Sta. Maria na i-monitor ng maayos at isailalim sa orientation ang mga empleyado bago i-deploy sa mga panguna­hing lugar gaya ng Rizal Park, sa Intramuros at iba pa.  

Show comments