Karambola ng 3 sasakyan: 11 sugatan

MANILA, Philippines - May 11 katao ang nasugatan matapos na magkaram­bola ang tatlong sasakyan nang mawalan ng preno ang isang pampasaherong bus sa Pasig City kahapon ng umaga­.

Isinugod sa The Medical City ang mga biktima. Ki­nilala naman ang suspek na si Roderick Valenzuela, 38, driver ng G-Liner Bus (PXW-599) at residente ng 27 Segunda Comp. Bilibiran, Binangonan, Rizal.

Base sa report, dakong alas-10:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa kanto ng Ortigas Avenue at Lanuza Sts., sa Brgy. Ugong, Pasig City.

Minamaneho umano ni Valenzuela ang nasabing bus patungo sa lalawigan ng Rizal nang mawalan umano ito ng preno dahilan kung kaya na­salpok ang isang Ta­maraw FX na sumalpok naman sa isang pampasaherong jeepney.

Show comments