^

Metro

Maynila handa na sa Pista ng Nazareno

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na handa na ang Maynila gayundin ang mga opisyal at awtoridad na mamamahala sa prusisyon at seguridad sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Lunes.

Ang paniniyak ay ginawa ni Lim, kasabay ng kanyang pagbisita sa Quirino Grandstand kung saan isa­sagawa ang misa bilang bahagi ng pagdiriwang.

Kasabay nito sinabi rin ni Lim na walang pasok ang mga paaralang apektado ng ruta at trapiko bunsod na rin ng mga daraanan ng Itim na Nazareno sa Lunes.

Kabilang sa mga paaralan at unibersidad na walang klase ay ang City College of Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Manila Science High School, Araullo High School, Manila High School, Mabini Elementary School, Avancena High School at Santiago High School.

Bagama’t nasa pagpa­pas­ya na lamang ng mga na­ma­mahala ng private school ang sitwasyon, pinayuhan na­­man ang mga ito na mas makabubuti kung isususpinde o idek­lara na walang pasok upang maiwasan ang trapik at mai-stranded.

Umaabot sa 20 ambulansiya ang itinalaga ni Lim na aantabay sa anumang mga emergency cases bukod pa sa pag-alerto sa anim na city public hospitals.

Nanawagan din si Lim sa mga buntis at maliliit na bata na huwag nang sumama sa pru­sisyon upang maiwa­san ang anumang disgrasya.

ARAULLO HIGH SCHOOL

AVANCENA HIGH SCHOOL

CITY COLLEGE OF MANILA

ITIM

MABINI ELEMENTARY SCHOOL

MANILA HIGH SCHOOL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with