^

Metro

Mister na nagmasaker sa misis, hipag at biyenan, sumuko

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa inquest proceedings kahapon ang sumukong suspect sa pagmasaker sa kanyang misis, biyenan at hipag, sa Tondo, Maynila noong Martes ng gabi.

Bagamat hindi direktang nagpahayag sa media, nabatid na umamin ang suspect na si Ronald Cruz, 37, ng Masinop st.. Tondo, Maynila, na nagawa niyang barilin ang mga biktima dahil naburyong siya sa kaiisip dahil sa aalis ang kanyang napaslang na misis na si Gina, 36, at iiwan siya at ang tatlong anak na ayaw sana niyang mangyari.

Ayon kay Manila Police District-Homicide Section chief, S/Insp. Joe de Ocampo, mga kasong parricide, two counts of homicide at isang frustrated homicide ang isinampa sa Manila Prosecutor’s Office laban kay Cruz.

Ito’y dahil sa pamamaril na ikinasawi ni Gina; ang hipag na si Loreta Venturina; at biyenan na si Senencia Valencia, na pawang nagtamo ng tig-iisang bala sa ulo .

Ginagamot pa ang sugatang si John Walker, ang American national na dating US Air Force at fiancée ng napatay ding si Loreta. Nagpahayag na ito na handa siyang tumestigo laban kay Cruz.

Sa beripikasyon, ang baril na ginamit ay lisensiyado kay Cruz, may permit to carry dahil isa itong pistol shooter.

Kinumpirma ni Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Manila Police­ District Station 2, na sa tulong na rin ng mga kaanak kaya nila nakumbinse ang suspect na sumuko,.

Nang makumbinse ng mga kaanak, hiniling umano ng suspect na magkita-kita sila ng mga anak sa hindi binanggit na lugar sa Tondo bago tuluyang sumuko kamakalawa dakong alas-4:30 ng hapon.

AIR FORCE

CRUZ

DISTRICT STATION

GINA

JEMAR MODEQUILLO

JOHN WALKER

LORETA VENTURINA

MANILA POLICE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with