^

Metro

Crematory, lending company nilooban

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinasok ng mga hindi nakikilalang sa­larin ang isang crematory at isang lending company sa magkahiwalay na insidente sa lungsod ng Makati at Las Piñas kamakalawa.

Matagumpay na natangay ng apat na salarin ang tinatayang P800,000 salapi at alahas sa niloobang BM Cremation na nasa #206 Anza Building, Pasong Tamo, Brgy. Tejeros, Makati.

Sa imbestigasyon, pinasok ng mga salarin ang naturang crematory dakong ala-1 kamakalawa ng hapon at agad na pinaputukan ng baril ng mga salarin ang inabutang mga empleyado na sina Rolando Sales, 28; at Ma. Theresa Huit, 40, negosyante, ngunit hindi naman tinamaan ang mga ito.

Dito na nilimas ng mga salarin ang laman­ ng kaha ng establisimiyento at tinangay maging ang mga alahas nina Sales at Huit bago mabilis na tumakas lulan ng dalawang motorsiklong hindi naplakahan.

Pumalpak naman ang panloloob ng tatlong armadong salarin sa TSPI Lending Corporation sa may Real St., Talon Uno, Las Piñas dakong alas-3 ng hapon nang matuklasang walang laman ang kaha ng kumpanya.

Nabatid na unang nagpanggap na magpa­pa­miyembro sa lending company ang mga salarin upang makautang.

Pinoproseso na ng isang empleyado ang kanilang aplikasyon nang magdeklara ang mga ito ng holdap.

Nang walang makuha, iginapos ng mga suspect ang mga empleyado at tinangay na lamang ang mga dalang pera, alahas at cellphone ng mga ito bago tumakas.

ANZA BUILDING

LAS PI

LENDING CORPORATION

MAKATI

PASONG TAMO

REAL ST.

ROLANDO SALES

TALON UNO

THERESA HUIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with