^

Metro

2 paslit patay sa sunog

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang magkapatid na paslit nang ma-suffocate ang mga ito sa makapal na usok habang nasusunog ang kanilang bahay dahil umano sa naiwang kandila kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Kinilala ang nasawing magkapatid na sina Eloisa Mae, 9; at Marc Elvis Bialza, 7, nakatira sa Lorenzo Compound, Brgy. Talon Uno ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang kanilang ina na si Marilou Bialza ay nila­lapatan ng lunas sa Las Piñas General Hospital.

Ayon sa imbestigasyon ni SFO3 Gerardo Porli, ng Las Piñas City Department, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng pamilya Bialza sa nabanggit na lugar. Nabatid na natutulog ang mag-iinang biktima sa second­ floor ng kanilang bahay nang makarinig ang mga ito ng kalabog mula sa ibaba ng kanilang bahay.  

Bumaba ang mga biktima, subalit malakas na ang apoy. Nakita umano ng ilang kapitbahay na humihingi ng saklolo ang mga biktima lalo na ang dalawang bata, subalit hindi makalabas ang mga ito ng bintana dahil sa rehas na bakal. Dito na binawian ng buhay ang magkapatid na biktima dahil sa suffocation mula sa makapal na usok at ang ina naman ng mga ito ay dinala sa nabanggit na pagamutan.

Inamin ng ina ng mga bata na may nakasinding kandila sa ibaba ng kanilang bahay, ngunit ayon dito, ang alam niya ay pinatay niya ito bago umakyat sa second floor para pagtulog nilang mag-iina. Nabatid na ang ama ng mga bata ay isang Overseas Filipino Worker (OFW).

vuukle comment

CITY DEPARTMENT

ELOISA MAE

GENERAL HOSPITAL

GERARDO PORLI

LAS PI

LORENZO COMPOUND

MARC ELVIS BIALZA

MARILOU BIALZA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with