^

Metro

Driver bugbog-sarado sa parak

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dumulog sa himpilan ng Manila Police District Ge­neral Assignment Section ang isang 48-anyos na taxi driver upang ireklamo ang lasing na pulis na gumulpi sa kanya sa Malate Maynila, inulat kahapon

“Hindi naman ho ako tumangging magsakay, ang sabi ko ay hindi ako papasok sa loob dahil madaming holdaper sa lugar”.

Ito ang ipinaliwanag ni Roberto Cantuba,48, taxi driver at residente ng Malate, Maynila matapos ireklamo si SPO1 Rolando Yulo, nakatalaga sa RPIOU, NCRPO sa Camp Bagong Diwa,Bicutan Taguig.

Ayon kay Cantuba, dakong alas-3:30 ng madaling araw kahapon ng mangyari ang insidente sa harap ng Socialista Bar sa may Remedios St., Malate, Maynila.

Isang pasahero na umano’y kasama ni Yulo, ang pumara ng taxi niyang EMP (TXB-250) at nagpapahatid sa Eva Compond CAA, Las Piñas.

Sinabi ng biktima na pa­yag siyang ihatid ang pasahero sa lugar, pero sinabi ni Cantuba na sa labas lamang ng Compound siya maghahatid dahil sa maraming holdaper sa loob.

Maya-maya ay lumapit na si Yulo na noon ay walang damit pang-itaas, lasing na lasing at pumasok sa loob ng kanyang taxi at sinimulan siyang pagsusuntukin sa mukha. Pinagmumura rin siya nito at binantaang patayin.

Nakawala lamang umano ang biktima ng magawa niyang­ paarangkadahin ang taxi at saka dumiretso sa himpilan ng pulisya para magreklamo.

ASSIGNMENT SECTION

BICUTAN TAGUIG

CAMP BAGONG DIWA

CANTUBA

EVA COMPOND

LAS PI

MALATE MAYNILA

MANILA POLICE DISTRICT GE

MAYNILA

REMEDIOS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with