Seguridad sa mga piitan hinigpitan

MANILA, Philippines - Ipinatutupad na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mahigpit na seguridad sa lahat­ ng bilangguan sa bansa lalo na sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay BJMP Director Rosendo M. Dial, inatasan na niya ang lahat ng BJMP officers na paigtingin ang pagbabantay sa kanilang nasasakupang piitan upang hindi malusutan ng mga presong gustong tumakas habang nagdiriwang ng Bagong­ Taon.

Bukod dito, hindi rin pinahintulutan ni Dial na gumamit ng paputok ang mga jail guards o preso upang ma­iwasan umano ang anumang insidente.

Tinakpan na ng kagawaran ang mga baril ng lahat ng personnel para ma­iwasan ang pagpapaputok maliban kung kinakaila­ngan sa sitwasyon.

Show comments