^

Metro

Misis utas sa selosong mister

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinatay muna sa sakal ng isang mister ang kanyang misis bago ito nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbi­bigti dahil sa matinding selos na naganap mismo sa loob ng kanilang bahay sa Las Piñas City, kahapon ng umaga.

Nasawi noon din ang biktimang si Arlene Malihan, 22, nakatira sa Lima St., Brgy. CAA ng nabanggit na lungsod.

Nasa kritikal naman na kondisyon at ginagamot sa Las Piñas District Hospital ang mister na suspek na si Noel Malihan, 24, na na­­agapan ang ginawang pagbibigti.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ariel Gupana ng Criminal Investigation Unit ng Las Piñas City Police, dakong alas-9:15 ng umaga­ nang madatnan ng ina ng suspek na nakilalang si Wilma, 47, ang anak nitong si Noel, na nakabitin sa likod ng pintuan ng kuwarto nito gamit ang isang sinturon.

Kaya’t humingi na tulong sa kanilang kapit­bahay si Wilma upang dalhin sa nabanggit na pagamutan ang suspek.

Inakala naman ng ina ng suspek na ang manugang nitong si Arlene ay natutulog lamang dahil katabi nito ang apat-na- taong gulang na anak na babae kung kaya’t hindi na niya ito ginising nang dalhin sa nabanggit na pagamutan ang suspek.  

Pagbalik ng bahay ni Wilma ay kaagad nitong pinuntahan ang biktima, subalit dito nito nadis­kubre na isa nang malamig na bangkay ang manugang habang katabi nito ang anak.

Nabatid pa sa pulisya na madalas umanong nag-aaway ang mag-asawang Arlene at Noel dahil sa pagiging seloso ng suspek.

Ilang ulit na ring nag­hain ng reklamo sa barangay si Arlene dahil sa umano’y ginagawang pananakit sa kanya ng mister sa tuwing magkakaroon sila ng pagtatalo.

Sa teorya ng pulisya, posibleng pinatay sa sakal ni Noel ang misis na si Arlene habang ito ay natu­tulog at saka nagtangkang magpakamatay sa pamama­gitan ng pagbigti.

ARIEL GUPANA

ARLENE

ARLENE MALIHAN

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DISTRICT HOSPITAL

LAS PI

LIMA ST.

SHY

WILMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with