^

Metro

Lolo 'lumipad' sa tulay sa Marikina, kritikal

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang 61-anyos na lolo makaraang malaglag sa isang mataas na tulay sa Marikina City kamakalawa ng umaga.

Agad na sinaklolohan ng mga residente at ng mga tauhan ng Marikina City Rescue 161 ang biktimang nakilalang si Jaime Ibajan, ng Block 2 Caingin St., Brgy. Pansol, Quezon City.

Sa ulat ng Marikina City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:40 ng tanghali sa pinakamataas na bahagi ng Tumana Bridge.

Nabatid na tumawid ng Marikina River ang biktima buhat sa kanyang tahanan sa hangganan ng Marikina at Quezon City.

Nagulat naman ang mga nakasaksi nang biglang itaas umano ng biktima ang mga kamay saka tumalon ng naturang tulay. Nagtamo ng matinding sugat sa ulo habang nagkabali-bali ang mga buto nito sa pagbagsak.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, may kapansanan na umano sa pag-iisip ang biktima at maaaring sinumpong ito ng sakit kaya nagawang tumalon sa naturang tulay.

AYON

BRGY

CAINGIN ST.

JAIME IBAJAN

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA CITY RESCUE

MARIKINA RIVER

QUEZON CITY

TUMANA BRIDGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with