Ilang main roads sa Makati isasara

MANILA, Philippines - Pinaalalahan ng pamahalaang lungsod ng Makati na isasara sa trapiko sa Disyembre 31 ang ilang pangunahing lansangan sa lungsod dahil sa malaking programa na idaraos sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Kabilang sa mga kalsadang isasara upang bigyang-daan ang Makati City “New Year’s Eve Countdown 2011” ang Ayala Avenue mula Paseo de Roxas hanggang North Drive at mula Fonda hanggang Paseo­ de Roxas. Isasara rin ang Makati Avenue mula Paseo de Roxas hanggang Dela Rosa Street.

Inihayag naman ni Makati Department of Public Safety (MAPSA) Director Hermene­gildo C. San Miguel ang mga alternatibong ruta para sa mga pampublikong behikulo.

Sa mga pampublikong bus, ang mga galing sa norte ay ka­kanan sa Sen. Gil Puyat habang ang mga galing naman ng SLEX, Buendia at Pasay City ay kailangang dumaan sa Gil Puyat Avenue at kumaliwa ng EDSA tungo sa destinasyon.

Sa mga pampublikong jeep, ang mga buhat sa JP Rizal ay kakanan sa Makati Avenue, kanan sa Paseo de Roxas at kanan muli sa Ayala Avenue tu­ngo sa destinasyon. Ang mga buhat naman ng Washington street ay kakanan sa Gil Puyat, kanan sa Ayala Avenue, kanan sa Salcedo, kaliwa sa Bena­videz tungo sa Esperanza, mu­ling kakanan sa Makati Avenue, kanan sa Paseo de Roxas, kaliwa sa Dela Rosa, kanan sa Salcedo at kaliwa sa Ayala Avenue tungo sa destinasyon.   

Show comments