MANILA, Philippines - Inaprubahan na ng Department of Justice (DOJ) ang aplikasyon ng aktres na si Janelle Manahan, na mapasok bilang state witness.
Nabatid na kahapon ay pasok na si Manahan sa Witness Protection Program.
Subalit kasabay nito, ibinasura naman ni De Lima ang petisyon ng kampo ni Manahan na mailagay sa watchlist ng Bureau of Immigration (BI) ang kapatid ni Ramgen Revilla na sina Gail at ang bayaw na si Hiro Furuyama, dahil sa positibong pagkilala ni Manahan na kabilang sila sa mga suspect at nagplano sa murder.
Nabatid na ililipat ng kustodiya sa DOJ si Manahan mula sa Parañaque City police.
Nilinaw ng kalihim na kaya hindi siya maaaring maglagay sa watchlist dahil sa umiiral na temporary restraining order (TRO) laban sa Department Circular No. 41 sa utos ng Korte Suprema.