QCPD nag-inspeksyon sa mga bus terminal, MRT at LRT station
MANILA, Philippines - Upang masiguro ang kaligtasan ng daang pasaherong bibiyahe sa kanilang probinsiya ngayon holidays, personal na nag-inspection si Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Superintendent George Regis sa mga pampublikong terminal ng bus at istasyon ng tren sa lungsod kahapon.
Partikular na ininspeksyon ni Regis ang Araneta Center Bus Terminal bago nagtungo sa iba pang bus terminal, gayundin ang LRT at MRT train stations sa lungsod.
Ayon kay Regis, karaniwan nang dinadagsa ng mga pasaherong magsisipag-uwian sa kanilang probinsiya ang nasabing mga lugar kapag may okasyon, kaya kailangang gawin ito upang masigurong walang mangyayaring problema sa sandaling sila ay bumiyahe patungo sa kanilang lalawigan.
Bukod sa inspection, nagtalaga rin si Regis ng mga unipormadong pulis para sa seguridad at hingan ng tulong ng mga commuter.
Hinikayat din ni Regis ang publiko na tumawag sa kanilang hotline numbers sa anumang emergency assistance, partikular sa QCPD Hotlines 925-8417/474-3106/ cellphone #09187853735 / 09152581066; PNP Patrol 117 o text NCRPO’s Subukan N’yo Po Kami #09158888181 / 0999-9018181.
- Latest
- Trending