^

Metro

Lim, namahagi ng regalo sa Hospicio, Tondo residents

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines – Tulad ng kanyang nakagawian, namahagi ng  pagkain  at regalo si Manila Mayor Alfredo Lim kasabay ng kanyang pagdiriwang   ng ika-82 kaarawan kahapon sa Hospicio de San Jose, sa Maynila.

Ayon kay Lim,  ang kanyang  pagbibigay ng tulong  at regalo sa nasabing ampunan ay bahagi ng kanyang  advocacy na matulungan ang mga batang iniwan ng magulang, matatandang walang pamilya at mga  may  kapansanan.

Sinabi ni Lim na hindi umano siya magsasawang tulungan ang nasabing ampunan na minsan niyang­ naging tahanan noong pagkabata. Ito rin aniya ang kanyang paraan upang ibalik sa  kapwa ang kanyang mga nakukuhang  biyaya.

Kaugnay nito, hindi naman matatawaran ang kasiyahan ng alkalde ng handugan siya ng iba’t  ibang sayaw at awitin ng mga bata sa ampunan. Patunay lamang ito na maayos ang pagpapalakad  ni Sister Maria Soccoro Evidente.

Samantala, binisita rin ni  Lim ang  ground-breaking ng  battered wife sanctuary­ sa Hospicio kung saan magi­ging silungan ng mga biktima ng pambubugbog  ng kanilang mga asawa.

Bago ito, dumalo muna ng misa sa Sto. Niño Parish church si Lim at namahagi ng kanyang Christmas gifts sa mga bata at matatanda.

Umaabot naman sa 6,000 ang naibigay sa mga senior citizen ng anak ni Lim na si Cristy Lim, executive director ng Lingap ng Inang Manileño, kasama sina 1st District Councilor Nino dela Cruz, Manila Police District Director Gen. Alex Gutierrez at Col. Ricardo Layug, hepe ng MPD Station 5.

ALEX GUTIERREZ

CRISTY LIM

DISTRICT COUNCILOR NINO

HOSPICIO

INANG MANILE

KANYANG

LIM

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with