Bangkay nalambat sa dagat
MANILA, Philippines – Sa halip na isda, patay na tao ang nalambat ng isang mangingisda kamakalawa ng gabi sa Navotas City.
Kinilala ang biktima na si Edilberto Roque, 34, ng Brgy. Daang Hari ng nabanggit na lungsod.
Batay sa imbestigasyon ni P01 Philip Valera, ng Station Investigation Division (SID) Navotas City Police, dakong alas-8:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa karagatan ng Judge Roldan St., Brgy. San Roque ng nabanggit na lungsod.
Nangingisda si Maximo Bulosan nang akalain nito na nakabingwit siya ng malaking isda.
Laking gulat nito nang makitang bangkay ng tao ang kanyang nahuli na agad namang ipinagbigay-alam sa pulisya.
Wala namang sugat na nakita sa biktima at hinihinalang nalunod ito. Patuloy na iniimbestighan ang nasabing kaso.
- Latest
- Trending